Ang power nap ay ang pag-idlip na hindi lalagpas sa 30 minuto. Kailangang mas maiksi ito dahil kapag lumalim na ang tulog ng isang tao at nagising ito mula sa pagkakahimbing, ay maaring magresulta ito sa grogginess.
Ang Grogginess o drowsiness naman ay tinatawag ding “sleep inertia.” Ito ang pakiramdam na antok na antok ka pa rin pagkagising dahil nagsisimula nang lumalim ang iyong tulog.
Ang pagsasanay sa maiksing pag-idlip ay nakatutulong upang maiwasan ang sleep inertia. Sa pamamagitan ng power nap, mas ramdam ang pagrekober ng katawan pagkagising, sa halip na antok.
Mapapansin na kapag nakapag-power nap ay mas masigla at alerto ang pakiramdam sa loob ng apat hanggang anim na oras.
Nakatutulong din ito para ma-relax, mabawasan ang fatigue, at gumanda ang mood, pati na sa performance sa trabaho.
Ang power nap ay nakaka-boost din immune system at nakababawas ng stress. —sa panulat ni Lea Soriano