dzme1530.ph

PBBM at sugar stakeholders, nagkasundo sa sugar importation schedule

Nagkasundo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sugar stakeholders sa schedule ng importasyon ng asukal.

Sa Sugar Industry Stakeholders Meeting sa Malacañang, inihayag ng Pangulo na tumatayo ring Agriculture sec., na napagkasunduan nilang buksan ang importasyon sa lahat ng traders, at bahala na umano sila sa pagbibigay ng proposal at sa bidding.

Kasabay nito’y kinumpirma ng Pangulo ang inaprubahang pag-aangkat ng hanggang 150,000 metric tons ng asukal.

Gayunman, kung magiging maganda umano ang produksyon ay maaaring hindi na umabot sa 150,000 metric tons ang kailangang angkatin.

Tiniyak din ni Marcos na patuloy na papaboran at uunahing bilhin ang lokal na asukal kaysa sa imported.

Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi ng Pangulo ang napagkasunduang importation schedule. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author