Inihain na ng National Bureau of Investigation ang reklamong murder laban kay NegOr Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Department of Justice (DOJ).
Sa pangunguna ni Director Medardo de Lemos, iprinisenta ng mga tauhan ng NBI sa DOJ ang mga dokumento na nagsasaad ng mga impormasyon at ebidensiya na magdidiin sa kongresista.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, on-going na ang kaso at nahaharap sa ngayon si Teves sa 10 counts of murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder kaugnay sa pagiging “mastermind” umano nito sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.
Maaari naman aniyang maghain ng Counter-Affidavit si Teves, kung makababalik ito sa bansa.
“He has to come home or they will file the case in court and the warrant will be issued in absentia,”
Nabatid na naantala ang pagsasampa ng kaso kay Teves makaraang umatras ang mga nadakip na suspect-witness nitong Lunes.