dzme1530.ph

PBBM, sang-ayon sa pagnanais ni Sen. Tulfo na imbestigahan ang NGCP

Sang-ayon si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagnanais ni Sen. Raffy Tulfo na imbestigahan ang sitwasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon sa Presidential Communications Office, sa kanilang pagpupulong ay inabisuhan ng senador ang pangulo sa kanyang layunin na i-assess ang performance ng NGCP, na ikinababahala rin ng iba pang senador.

Nais din ni Tulfo na tingnan ang “security aspect” partikular kung sino ang tunay na may hawak ng kontrol sa korporasyon.

Kaugnay dito, pabor ang Pangulo sa mungkahi ni Tulfo na magsagawa ng malalimang pag-aaral o magpatawag ng pagdinig upang malaman ang totoong sitwasyon.

Sinabi pa ng PCO na kung kina-kailangan ay babawiin muli ng gobyerno ang kontrol sa NGCP.

Una nang pinuna ni Tulfo ang sinasabing kontrol ng china sa NGCP na maituturing umanong banta sa seguridad ng Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author