dzme1530.ph

DOT at DICT, pagagandahin ang internet connection sa 94 tourist destinations sa bansa

Magtutulungan ang Dep’t of Tourism at Dep’t of Information and Communications Technology sa pagpapaganda ng internet connection sa 94 na tourist destinations sa bansa.

Ayon kay DOT sec. Christina Frasco, ito ay bahagi ng National Tourism Development Plan 2023-2028 na inaprubahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Sinabi naman ni DICT sec. Ivan John Uy na karamihan sa mga turista sa bansa ay ang mga vlogger, kaya’t mahalagang magkaroon sila ng access sa internet, at sila ang magsisilbing marketing tool sa turismo.

Kaugnay dito, uunahing pagandahin ang internet connection sa 46 na tourist sites kabilang ang mga destinasyon sa Baguio City, Palawan, Cebu City, Boracay, at iba pang lugar na tutukuying priority.

Samantala, tutulong din ang DICT sa pagde-deploy ng E-VISA System para sa mas magaang pag-apply ng VISA ng mga turista, partikular ang mga manggagaling sa “large markets” ng turismo ng Pilipinas tulad ng China at India. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author