Nanawagan si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa mga mambabatas ng Northern Luzon na palakasin pa ang tinaguriang “Solid North” Regional Bloc, at panatilihin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa.
Sa oath taking sa Malacañang ng mga bagong halal na officers ng Northern Luzon Alliance (NLA), inihayag ng Pangulo na nangingibabaw na ang solidarity ng grupo noong panahon pa ng kanyang amang si dating Pang. Ferdinand Marcos Sr..
Ipinagmalaki pa ni Marcos na sa mga panahong na-dehado sa pulitika ang Ilocano Bloc sa mga sumunod na administrasyon, nanatili pa rin itong matatag.
Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos sa Northern Luzon lawmakers na “may katulong sila sa itaas” sa kanilang ipinaglalaban.
Ang NLA ay grupo ng mga mambabatas mula sa mga lalawigan sa hilagang Luzon, at nagsisilbing Honorary Chairman nito ang anak ng Pangulo na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News