Inihayag ng Korte Suprema na pinaiimbestigahan na ang naganap na hacking sa kanilang 2 website na: [email protected] at [email protected],
Ang hakbang na ito ng Kataas-taasang Hukuman ay dahil sa maraming report mula sa trial courts na nakatanggap ng emails galing sa naturang website ng SC.
Nabatid na ang mga natanggap na emails ay naglalaman ng Soft Copies Agreement (FYA) ng “Office of the Halls of Justice – OCA” gamit ang na-hacked na email addresses.
Nalaman din na ang pinadalang email ay may kalakip na attachment na scanned release copies.html, na kapag binuksan ay hinihingi ang pribadong impormasyon ng napadalhan ng email o ang receiver.
Kaugnay nito, pinayuhan ng Mataas na Hukuman ang lahat na makatatanggap ng email mula sa napasok na website na huwag pansinin ang matatanggap na email at markahan ng spam, at hindi rin galing sa OCA-OHJ.
Sa kasakukuyan ayon sa Office of the Court Administrator na-ireport na sa Management Information Systems Office ang insidente. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News