dzme1530.ph

22k MT ng pula, puting sibuyas, pinag-aaaralang angkatin —D.A.

Pinaplano ng Department of Agriculture na mag-angkat ng 22,000 metriko toneladang pula at puting sibuyas.

Ito ang inihayag ni D.A. deputy spokesperson Rex Estoperez sa gitna nang patuloy na pagsipa ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan.

Ayon kay Estoperez, ang naturang volume ay batay sa monthly consumption ng bansa.

Sa kasalukuyan naglalaro sa P180 hanggang P200 ang kada kilo ng sibuyas, dahil dito, umaasa ang D.A. na sa pamamagitan ng importasyon ay mapapababa sa P70 hanggang P80 kada kilo ang presyo nito.

Samantala, pinag-iisipan na rin ng kagawaran ang pagtatakda ng Suggested Retail Price (SRP) sa mga sibuyas sa gitna nang sumisirit na presyo ng nasabing agricultural product. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author