dzme1530.ph

Credit Card billings, lumobo sa 1st quarter ng taon

Nananatiling mataas ang post-lockdown spendings sa pamamagitan ng credit card sa unang quarter ng taon, ayon sa Credit Card Association of the Philippines.

Sa datos mula sa CCAP, lumobo sa P410 billion ang gross billings simula Enero hanggang Marso ng ngayong taon kumpara sa P279 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakamataas din ang 2023 first-quarter growth rate simula nang mag-umpisa ang pandemya noong 2020.

Ipinaliwanag ni CCAP Executive Director Alex Ilagan na dahil sa tumataas na inflation ay mas maraming cardholders ang gumagamit ng credit card para makaagapay sa mas mahal na presyo ng mga bilihin at para ma-extend ang purchasing power.

Idinagdag ni Ilagan na basta nagbabayad ang cardholders ng ontime ay wala itong negative impact sa may-ari o sa bank issuer. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author