Sa kabila ng mga paalala ng NAIA Quarantine Service na mahigpit na ipinagbabawal ang padadala ng produktong karne at agricultural products papasok sa bansa.
May mga ilan-ilan pa ring mga pasahero ang hindi pa aware sa panawagan kaugnay ng mga ipinagbabawal na produkto papasok ng Pilipinas.
Kaugnay nito kinumpiska ng Bureau of Animal Industry ng NAIA ang 2.5 kgs na pork chop at 2.5kgs ng beef meat dala ng pasaherong dayuhan mula Korea.
Kumpiskado din ang 2.5kgs na duck meat dala naman ng isa ding foreign passengers sakay ng Korean Airlines flight OZ-701 na lumapag sa NAIA Terminal 1.
Bukod sa meat product nakumpiska din isang plastic bag na dried grass dala naman ng isang pasahero mula China.
Ang mga naturang produkto ay naharang ng Bureau of Customs matapos itong dumaan sa X-Ray machine.
Pawang walang maipakitang permit ang mga pasaherong may bitbit ng mga produkto dahilan para kumpiskahin ang mga ito sa loob ng paliparan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News