dzme1530.ph

Malampaya project, hindi agarang solusyon sa krisis ng kuryente —Kuryente.Org

Napapanahon na para busisiin ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) at mga investor nito makaraang pumalya ang power transmission system na nagresulta sa sunod-sunod na pagkawala ng suplay ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ang binigyang-diin sa panayam ng DZME1530 ni National Coordinator Roland Vibal ng Kuryente.Org upang malaman kung may kakayahan ang korporasyon na magsuplay ng kuryente sa bansa sa gitna ng manipis na power supply sa mga planta.

Ikinalugod naman ni Vibal ang paglagda ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos sa isang kontrata upang mapalawig ang Malampaya project subalit hindi aniya ito ang agarang solusyon sa krisis ng kuryente sa bansa.

Watch: https://fb.watch/kyFGS_AIEn/
YouTube: https://www.youtube.com/live/is4zUfFu774?feature=share

About The Author