dzme1530.ph

Mas mataas na kompensasyon sa biktima ng hindi makatarungang pagkakakulong, isinusulong sa Senado

Nais ni Sen. Chiz Escudero na mabigyan ng mas malaking kompensasyon ang mga biktima ng hindi makatarungang pagkakakulong at violent crimes.

Layun ng Senate Bill 884 ni Escudero na amyendahan ang Republic Act 7309 na bumuo ng Board of Claims sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ng senador na mula noong 1992, nang maipatupad ang batas, ay pareho pa rin ang kompensasyon at ang pondong nakalaan na hindi na naaakma sa panahon.

Kung maging batas ang panukala, ang mga biktima ng unjust imprisonment ay maaaring mag-claim ng hanggang P10,000 kada buwan ng pagkakakulong mula sa P1,000 kada buwan na itinatakda ng kasalukuyang batas.

Itataas din sa P50,000 mula sa P10,000 ang maximum na halaga na maaaring i-claim.

Ito ay para sa reimbursement ng mga nagastos ng claimant sa hospitalization, medical treatment, kawalan ng kita, at iba pang bayarin na may kaugnayan sa injury.  —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author