dzme1530.ph

Renewal agreement sa Malampaya Deep Water Gas-To-Power project, makakabawas ng brownouts at magpapatatag sa presyo ng kuryente sa bansa

Kumpiyansa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na makatutugon sa pangangailangan ng mga konsyumer ang renewal agreement sa Malampaya Deep Water Gas-To-Power project.

Ayon sa liderato ng kamara, may mahalagang ambag ang malampaya gas field sa pagpapatatag ng presyo ng kuryente at pagbabawas sa brownouts na nararanasan sa ilang lugar sa bansa.

Ayon pa kay Romualdez, sa ilalim ng Service Contract 38, magkakaroon ng additional source ng enerhiya ang Pilipinas na makapipigil sa problema ng bansa pagdating sa kakulangan ng suplay.

Magpapatuloy ani Romualdez ang suporta ng mababang kapulungan sa layunin ng Administrasyong Marcos na makamit ang energy security, sa pamamagitan na rin aniya ng pagtataguyod ng mga mambabatas na ma-amyendahan ang EPIRA Law o Electric Power Industry Reform Act.

About The Author