dzme1530.ph

Remittance ng PCSSO noong 2022, tumaas ng 70%

Tumaas ng 70% ang perang ini-remit ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa national gov’t para sa taong 2022.

Personal na ini-abot ni PCSO General Manager Mel Robles kay deputy treasurer Erwin Sta. Ana ang cheque na nagkakahalaga ng P2.6 billion.

Ito ay 70% mas mataas kumpara sa P1.09 billion na remittance ng PCSO noong 2021.

Nagpasalamat si Robles sa publiko kasabay ng paghikayat sa kanila na patuloy na tangkilikin ang kanilang lottery games.

Idinagdag pa ni Robles ang mensahe na “Sa halagang bente makakatulong ka na sa bayan mo”.

Ang PCSO ay may mandatong kumalap ng pondo mula sa lotteries at sweepstakes, at ang kikitain ay gagamitin sa health programs, medical assistance and services, at charity works ng pamahalaan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News 

About The Author