dzme1530.ph

Renewal ng service contract ng Malampaya, tututukan ng Senado

Nangako si Senate Committee On Energy Vice Chairman Sherwin Gatchalian na tututukan nito ang implementasyon ng 15-year renewal ng Service Contract 38 ng Malampaya Deepwater Gas to Power project.

Sinabi ni Gatchalian na dapat matiyak ng Department of Energy na ang bawat consortium member ay makatutugon sa capital requirement ng proyekto.

Ipinaalala ng senador na alinsunod sa Section 8b ng Presidential Decree No. 87, nakasaad na bahagi ng obligasyon ng gobyerno na bantayan ang pamamahala sa operasyon ng service contract at obligahin ang service contractor na tugunan ang kailangang financing.

Iginiit ng senador na kailangang tiyaking a magiging maayos ang takbo ng Malampaya project sa mga susunod na taon dahil napakalaki ng kontribusyon nito sa pangkalahatang suplay ng kuryente sa bansa sa gitna ng mga aberya sa sektor ng enerhiya. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author