Inaprubahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-aangkat ng hanggang 150,000 metric tons ng asukal.
Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration, upang mapanatili umano ang stable na presyo at suplay ng asukal, at mapataas ang stock ng bansa.
Sa meeting ng SRA sa Malacañang, inihayag ng pangulo na hanggang 150,000 metric tons ng asukal ang maximum na maaaring angkatin.
Sinabi naman ni Marcos na matutukoy ang eksaktong volume ng aangkating asukal sa katapusan ng buwan.
Samantala, ibinahagi rin ng Pangulo na ang importasyon ay bubuksan para sa lahat ng traders.
Matatandaang noong Pebrero lamang ay inaprubahan ang Sugar Order no. 6 kaugnay ng pag-aangkat ng 440,000 metric tons ng refined sugar. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News