Inihayag ng Dep’t of Energy na ang renewal agreement sa Malampaya Deep Water Gas-to-Power project ay malaki ang maitutulong upang makamit ang energy security sa bansa.
Ayon sa DOE, sa ilalim ng Service Contract 38 na nilagdaan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., palalawigin ng 15- taon ang production contract sa Malampaya na nakatakda na sanang mag-expire sa Pebrero 2024.
Ang final 15-year production ay tatagal hanggang Pebrero 2039.
Dahil dito, maipagpapatuloy ang produksyon sa malampaya gas field, at mapakikinabangan ang nalalabi pa nitong gas reserves.
Bukod dito, isasagawa rin ang minimum work program para sa geological at geophysical studies, at drilling sa dalawang deep water wells mula 2024 hanggang 2029.
Naniniwala rin ang DOE na ito ang magbibigay-daan para sa exploration ng gas reserves sa iba pang bahagi ng bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News