Kabuuang 1.8 million na mga empleyado ng gobyerno ang tatanggap ng mid-year bonus, na ilalabas na simula ngayon araw ng Lunes, May 15.
Ayon sa Dep’t of Budget and Management, kabilang sa mga recipient ang civilian personnel, at military at uniformed personnel.
Gayunman, kailangang matugunan nila ang mga kondisyong nakasaad sa DBM Budget Circular no. 2017-2.
Ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay ng kuwalipikadong kawani na nakapag-trabaho na ng apat na buwan o higit pa mula noong July 1, 2022.
Kailangan din ay nasa serbisyo pa ito hanggang ngayong araw, at dapat mayroon itong satisfactory performance rating.
Sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act, P45-B ang inilaan para sa mid-year bonus ng civilian employees, at P15-B sa military at uniformed personnel. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News