dzme1530.ph

Benepisyo ng brown sugar sa ating katawan, alamin!

Ang brown sugar ay isang kilalang pampatamis sa mga inumin at pagkain gaya ng tinapay.

Ito ay may taglay na molasses na kilalang mapagkukunan ng mga mahahalagang mineral tulad ng potassium, calcium, magnesium, at phosphorus.

Maliban diyan, mayroon ding bitamina ang brown sugar na nakatutulong upang mapaganda ang balat at proteksyon laban sa epekto ng pagtanda.

Mainam din ang naturang asukal para ma-hydrate at magbigay ng moisture sa ating balat. sa katunayan, ito ay mabisang skin exfoliant.

Gayunman, paalala ng mga eksperto, iwasan ang labis o sobrang paggamit ng brown sugar dahil mayroon din itong masamang epekto sa ating kalusugan gaya ng pagkakaroon ng diabetes, at pagtaba o weigh gain. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author