dzme1530.ph

OFWs sa Taiwan, mananatiling protektado — Taiwan Reps.

Tiniyak ng Taiwan government na mabibigyan ng proteksyon ang 89,000 overseas filipino workers sa oras na manggulo ang Tsina sa Taiwan.

Ginawa ang pagtitiyak sa pamamagitan ng National Police Agency of Taiwan kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Silvestre Bello III sa gitna ng banta nang pag-atake ng Beijing.

Ayon kay dating DOLE sec. Bello, ipinangako ng mga opisyal ng Taiwan ang kaligtasan ng mga Pilipino.

Sa kasalukuyan, 160,000 OFWs ang nagtatrabaho sa Taiwan kung saan 90% ng mga ito ang nasa manpower services, at ang natitirang porsiyento ay binubuo ng guro, magsasaka at manggagawa sa hospitality industry.

About The Author