Tutol si Dep’t of Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa hirit na dapat nang i-withdraw ng state prosecutors ang third drug case ni dating Senator Leila de Lima.
Ayon kay Romualdez, kahit dismissed na ang dalawang kasong isinampa kay de Lima hindi ito nangangahulugang wala itong kasalanan. Inacquit aniya ang mga kaso dahil mahina ang ebidensiya.
Ipaubaya na aniya sa hukom ang hustisya gayung hindi naman kontrolado ng DOJ ang pagdedesisyon.
Paliwanag ni Remulla, patas ang batas!, Independent ang hudikatura at hindi naman mga naluklok sa pwesto noong Administrasyong Duterte ang magdedesisyon
Nitong Biyernes nang i-absuwelto ng Muntinlupa Regional Trial Court ang kasong “Conspiracy to Commit Illegal Drug Trading” ni de Lima.