Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-aresto sa isang puganteng Taiwanese national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa kasong large-scale fraud.
Kinilala ang pugante na si Yin Chih Chou, 40-anyos, na naaresto noong May 11 sa loob ng condominium unit sa kahabaan ng Adriatico St. sa Ermita, Manila.
Sinabi ng immigration na bitbit ng fugitive search unit (FSU) ang mission order ng BI na umaresto kay Chou dahil sa kahilingan ng mga awtoridad ng Taiwan.
Nabatid na overstaying na rin umano ang nasabing dayuhan at huli siyang dumating dito sa bansa noong July 19, 2018 at hindi na umaalis simula noon.
Ang nasabing pugante ay ipapa-deport sa sandaling maglabas ng order ang Board of Commissioners para sa kanyang summary deportation, saka siya isasama sa blacklist upang hindi na siya muling makakabalik pa ng Pilipinas. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News