Tiniyak ng Administrasyong Marcos ang tulong sa mga Pinoy na apektado ng pag-suspinde ng Kuwait sa paglalabas ng working visas.
Ayon sa Dep’t of Foreign Affairs, ang mga apektadong overseas filipino workers ay isasama sa national reintegration program ng Dep’t of Migrant Workers (DMW).
Ipinaliwanag naman ni DFA Asec. Paul Cortes na ang mga bagong aplikante pa lamang para sa working visas ang apektado, at hindi ang mga mayroon nang resident visa.
Kaugnay dito, magpapadala ang DFA at DMW ng delegasyon sa Kuwait ngayong buwan upang talakayin ang labor issues.
Tiniyak din ng DFA ang pagpapanatili ng komunikasyon hindi lamang sa Kuwait kundi sa iba pang bansa upang maprotektahan ang kapakanan ng OFWs. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News