Umabot sa P33.09-B na halaga ng investment pledges ang inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa unang apat na buwan ng 2023.
Sinabi ni PEZA Director-General Tereso Panga na kabuuang 60 bago at expansion projects ang kanilang inaprubahan simula Enero hanggang Abril.
Mas mataas aniya ito ng 107.15% kumpara sa P15.075-B na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa Investment Promotion Agency, ang mga bago at expansion projects ay inaasahang makalilikha ng $1.012-B na halaga ng exports at 7,469 na direktang trabaho. —sa panulat ni Lea Soriano