Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang sabayang pay-out activities para sa cash-for-work (CFW) program sa mga residente ng Mansalay, Pola at Bulalacao sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill.
Ayon kay DSWD Spokesperson, Assistant Secretary Romel Lopez, nasa 25,000 individuals mula sa Oriental Mindoro na nakilahok sa cash-for-work program ang makikinabang sa pay-outs.
Mula sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 2,429 ay mula sa Mansalay; 3,889 ay mula sa Pola; at 2,334 ay mula sa Bulalacao.
Sa kasalukuyan ay ipino-proseso pa ang consolidation ng final reports ng CFW beneficiaries mula sa DSWD field offices. —sa panulat ni Lea Soriano