Nalinis na ng gobyerno ang 84% ng coastline na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Defense Officer-In-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., sa kabuuang 74.71 kilometro ng apektadong baybayin, 62.95 kilometers ang cleared na sa oil spill.
Kabuuang 6,801 litro ng langis ang na-kolekta, at 300,000 litro ng oil-contaminated waste.
Bukod dito, ligtas na ring pangisdaan ang clusters 4 at 5 kabilang ang mga bayan ng Bongabong, Roxas, Mansalay, Bulalacao, San Teodoro, Baco, at Puerto Galera.
Gayunman, hindi pa rin ligtas sa fishing activities ang clusters 1, 2, at 3, na nasa vicinity mismo ng lumubog na MT Princess Empress.
Samantala, naipamahagi na rin ang kabuuang P516.87-M na halaga ng recovery assistance sa 96,256 na benepisyaryo.
Ang report ay inilabas kasunod ng pagpupulong ng National Task Force at Office of Civil Defense. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News