dzme1530.ph

Kooperasyon sa pagitan ng NPC at mga telco, pinalakas pa

Pinaigting pa ng National Privacy Commission (NPC) ang pakikipag-ugnayan sa telecommunications companies sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) na layong mapangalagaan ang personal na impormasyon o datos ng kanilang mga subscriber.

Sa isang pahayag, sinabi ng NPC na makatutulong din ang MOU upang mapalakas ang koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sector, at mapabuti ang kalidad ng serbisyo sa mga stakeholders.

Kabilang naman sa paiigtingin ng NPC ang kampanya laban sa Anti-Fraud sa pamamagitan ng paglulunsad ng Joint Information Dissemination Campaign na makatutulong upang malaman ng publiko ang iba’t ibang uri ng panloloko o scams at kung paano ito maire-report sa ahensya. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author