Inihayag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagtutulungan ng mga bansa upang muling pagdikitin ang mga ugnayang sinira ng geopolitical challenges at ng pandemya, ay itong susi sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya.
Sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East Asean Growth Area Summit sa Indonesia, iginiit ng pangulo na ang COVID-19 at bakbakan sa Ukraine ang nagpakita na kinakailangang mapanatili ang physical connectivity upang maprotektahan ang logistics chain sa rehiyon.
Kaugnay dito, nanawagan ang pangulo ng mas maigting na kolaborasyon upang maipakilala sa mundo ang BMP – EAGA bilang well-connected, economically thriving, multi-country trade, investment, at tourism destination.
Naniniwala rin si Marcos na dapat unahin ang pagbuhay sa turismo na magreresulta sa pagsigla ng Micro, Small, and Medium Enterprises, tungo sa paglago ng ekonomiya, paglikha ng mga trabaho, pagtaas ng antas ng pamumuhay, at pagbaba ng poverty rate. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News