dzme1530.ph

PBBM, hindi dapat mag-recycle ng natalong kandidato —Cong. Rodriguez

Hinimok ni Cong. Rufus Rodriguez, si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na huwag matuksong i-recycle ang mga natalong kandidato noong May elections sa kahit na ano pwesto sa gobyerno.

Reaksyon ito ni Rodriguez matapos sabihin ng Pangulo na tapos na ang OJT sa hanay ng kanyang gabinete, at bukas siya sa magagaling at matatalinong tao na hindi pinalad sa eleksyon.

Para sa kinatawan ng Cagayan de Oro City, kung may itatalaga mang bago sa gabinete ito ay dahil may pangangailangan at hindi dahil sa nag-lapse na 1-year appointment ban.

Nilinaw nito na hindi siya kontra sa mga natalong kandidato, subalit hindi rin aniya dapat na maging kanlungan ng mga “political has-beens” ang pamahalaan.

Pabor din ito na punan na ng permanent secretary ang Department of Agriculture, Health at National Defense, pero mga competent career service officers dapat ang ilalagay o kung hindi man, mga experience individual mula sa private sector. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author