Kinumpira ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na batid na ni PBBM ang paghingi ng asylum ni suspended Cong. Arnolfo Teves, Jr. sa Timor Leste.
Sa panayam kay Romualdez sa ASEAN Summit sa Indonesia, hindi nito inaalis ang posibilidad na mapag-usapan ang isyung ito sa nakatakdang bilateral meeting ni BBM kay Timor Leste Prime Minister Matan Ruak.
Pagtitiyak ni Romualdez, hindi hihingin ng Pangulo na isuko si Teves sa Philippine authority dahil walang extradition treaty sa pagitan ng dalawang bansa.
Muli namang hinikayat ng House leader si Teves na umuwi na ng bansa at harapin ang akusasyong pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Pinayuhan din nito si Teves na kalimutan na ang mag hanap ng “refuge” sa ibang bansa dahil manganghulugan ito na inaabandona na nito ang tungkulin bilang kasapi ng Kongreso. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News