Sang-ayon si dating Pang. Rodrigo Duterte sa mga binitawang pahayag ni Pan. Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa mga pang-aabusong nagawa ng kaniyang administrasyon sa pagtutok nito sa law enforcement.
Ayon kay Duterte, hindi siya sigurado kung na-qoute sa kumpletong konteksto ang pahayag ni Pang. Marcos pero sigurado aniya siya na hindi sinasadya ni PBBM na mapuna ang kaniyang nagawa gayung alam ni Marcos kung gaano kahirap maging presidente.
Paliwanag pa ni Duterte, hindi maiiwasan ang pang-aabuso at pagpatay sa pagpapatupad ng batas.
Matatandaang sa forum sa Center for Strategic and International Studies sa Washington DC, USA, inihayag ng Pangulo na tila masyadong tumutok ang nagdaang administrasyon sa enforcement, na dahilan ng pagkakaroon ng ilang elemento ng pang-aabuso ng gobyerno.
Matatandaang libu-libong drug suspects ang napaslang sa madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.