100% nang handa ang COMELEC para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30.
Sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na halos 92 million ballots na gagamitin sa eleksyon ang naimprenta na.
Sa public briefing, sinabi ng poll official na ang kailangan na lamang gawin ay ang pag-imprenta ng karagdagang balota para sa mga bagong botante, at para sa mga na-reactivate na 1.6 million, na kayang-kayang tapusin sa loob ng tatlong araw.
Idinagdag ni Laudiangco na ang deployment at training ng mga teacher na magsisilbing miyembro ng electoral boards ay gagawin, isa o dalawang buwan bago ang halalan, para sariwa pa ang natutunan ng mga guro sa training pagsapit ng eleksyon.