dzme1530.ph

Presyo ng kada kilo ng sibuyas sa bansa, hindi na tataas sa P700 —BPI

Kumpiyansa ang Bureau of Plant Industry (BPI) na hindi na aabot sa P500 hanggang P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa bansa.

Ayon kay Assistant Director for Regulatory Services Ruel Gesmundo ng BPI, hindi nila inaasahan ang paggalaw sa presyo, dahil mayroon pa aniyang 10,843 metric tons ng white onions at 98,393.86 metric tons ng pulang sibuyas na suplay ang Pilipinas na sapat hanggang Nobyembre.

Una nito, iginiit ni Cavite Representative Elpidio Barzaga Jr., na dapat magsumite ng resignation ang mga opisyal ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry, sakaling tumaas muli sa P700 ang presyo ng sibuyas.

Binigyang-diin ni Agriculture Asst. Sec. Kristine Evangelista, na tuloy-tuloy ang kanilang pagsasagawa ng “price and volume watch” at hindi lang tuwing may krisis idinaraos ang “stakeholders meeting” ng D.A.

About The Author