dzme1530.ph

Wage increase para sa mga manggawa,16% lang ang makikinabang —ECOP

Aprub na sa senado ang panukalang P150 Across the Board Wage Increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, author ng Senate Bill no. 2022 o ang Across-the-Board Wage Increase Act, approved in principle na ang panukala at nakatakda nang talakayin ng Technical Working Group.

Iginiit ni Zubiri na kakayanin ng pinakamalaking korporasyon sa bansa na magbigay ng P150 dagdag sa arawan na minimum wage o P3,000 kada buwan.

Matatandaang sa naging pahayag ng research group na IBON Foundation, halos P1,200 kada araw ang kailangan upang mabuhay nang disente ang isang pamilyang may limang miyembro.

Samantala, ayon kay Sergio Ortis-Luis, pangulo ng Employers Confederation of the Philippines 16% lamang ng mga manggagawa sa bansa ang makikinabang sa P150 pay hike.

Wala aniyang badyet at programa ang gobyerno na susuporta sa 84% ng mga manggagawa na hindi masasakop ng panukalang taas-sahod.

About The Author