Itinalaga si Vice President at Education Sec. Sara Duterte-Carpio bilang co-Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni NTF-ELCAC Vice Chairperson at National Security Adviser Eduardo Año na inaprubahan ng NTF-ELCAC ExeCom ang designation kay Duterte-Carpio bilang kanilang Vice-Co Chairman.
Naniniwala si Año na magiging malaking tulong ang commitment ng pangalawang pangulo sa ipinaglalaban ng Anti-Insurgency Task Force.
Bukod dito, si Duterte-Carpio ay may malawak din umanong karanasan bilang dating Alkalde ng Davao City at magagamit ito ng mga ahensyang kabahagi ng NTF-ELCAC.
Bilang tumatayo ring DepEd Sec., naniniwala si Año na mapalalakas pa ng bise-presidente ang Anti-Communist Campaigns sa mga paaralan, partikular ang paglaban sa pagre-recruit sa mga estudyante ng mga komunistang grupo.
Sa kabila nito, sinabi ni Año na sila ay magiging tagapagpalaganap ng kapayapaan, at ang pinaka-layunin nito ay mahikayat ang mga natitirang rebelde na sumuko, at maihatid ang mga serbisyo at proyekto sa mga brgy. na apektado at cleared na sa communist insurgency, alinsunod sa barangay development program. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News