Inihayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) na dalawa na lamang ang nalalabing aktibong guerilla fronts sa bansa.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni NTF-ELCAC Vice Chairperson at National Security Adviser Eduardo Año na sa orihinal na 89 na guerilla fronts, 22 na lamang ang natitira.
Sa 22, ang 20 ay mahina na ang pwersa, kaya’t dalawa na lamang umano ang tinututukan ng military operations at development programs ng mga ahensyang kabahagi ng NTF-ELCAC.
Sinabi ni Año na malinaw ang marching orders ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang ipagpatuloy ang whole of nation approach laban sa mga komunistang grupo at pigilan silang makapag-recruit at muling magpalakas ng pwersa.
Sa kabila nito, iginiit ni Año na patuloy nilang aalukin ng kapayapaan ang guerilla fronts sa pamamagitan ng local peace engagements. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News