dzme1530.ph

Pagpapatupad ng memorandum order 35 o paggamit ng biofertilizers, pinahihinay-hinay ng isang grupo

Inirekomenda ng Federation of Free-Farmers (FFF) sa Dept. of Agriculture na huwang madaliin ang implementasyon ng Memorandum order no. 32 kaugnay sa paggamit ng biofertilizers upang mapalago ang produksyon bigas.

Ito ay sa gitna ng agam-agam ng ilang grupo ng mga magsasaka na baka mauwi lamang ito sa panibagong fertilizer scam.

Ayon kay FFF Board Chair Leonardo Montemayor, suportado niya ang hangarin ng Memorandum 32 na muling mapasigla ang kondisyon ng mga sakahan, subalit kailangan maging maingat ang kagawaran dahil malaking pondo ang nakasalalay rito.

Mas mainam din aniya na dahan-dahanin ng ahensya ang pagpapatupad nito upang makumbinse ang mga magsasaka na hindi sanay sa paggamit ng biofertilizer.

Una nang tiniyak ng kagawaran sa agri groups na hindi ito dapat mabahala dahil dadaan sa competitive bidding process ang pagkuha ng biofertilizer, kasabay ng pagpapaala na hindi nila pipilitin ang mga magsasaka na gumamit nito. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author