Magkakaroon ng bilateral meeting si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lider ng Vietnam, Laos, at Timor Leste, sa sidelines ng 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia.
Ayon sa Pangulo, sa ngayon ay ang tatlong bilateral meeting pa lamang ang sigurado dahil masikip ang kanilang schedule.
Sinabi ng Pangulo na ito ang unang pagkakataon na dadalo sa ASEAN summit ang leader ng Timor Leste bilang isang observer.
Bukod dito, makakapulong din ng Pangulo ang mga lider ng Vietnam at Laos.
Samantala, ibinahagi ni Marcos na ang magiging agenda ng ASEAN Summit ngayong taon ay ang pagpapasigla ng ekonomiya at pagsusulong sa asean bilang “locomotive” ng global economy. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News