Mahigit 3M mga bata ang binakunahan ng Department of Health laban sa tigdas, rubella at polio sa unang linggo ng kanilang “Chikiting Ligtas 2023” campaign.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, 2.3-M ang binakunahan laban sa tigdas at rubella o 24.2% ng total eligible population.
Samantala, mahigit 829,000 naman aniya ang mga batang tumanggap ng polio vaccine o 27.49% ng total eligible population.
Inihayag ni Vergeire na nakapagpamahagi rin ang ahensya ng Vitamin A supplementation sa 385,000 families.
Batay sa latest global report ng UNICEF, 67M children ang hindi naka-kumpleto o talagang hindi nabigyan ng routine vaccines sa pagitan ng 2019 at 2021.