Isang parcel na naglalaman ng humigit kumulang sa limang kilong opiums ang naharang ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center, Domestic Road sa Pasay City.
Ang parcel ay padala ng isang Sammee Singh mula Navarro De Haro 24 30700 Murcia, España/Spain na ideneklarang Prepared Foods of Cereals Corn Flakes.
Naaresto naman ang consignee na isang Indian national na si Amandeep Singh, 37-anyos, isang negosyante at residente ng B4 L12, Amsterdam St., Chester Place Subd., Burol, Dasmariñas, Cavite.
Parehong wala pang idea ang Bureau of Customs at PDEA kung magkano ang halaga o street value ng dried opium poppy buds dahil first time umano mangyayari na sila ay makaharang ng opiums sa warehouse mula sa ibang bansa.
Naiturn-over na ng Bureau of Customs Port of NAIA sa PDEA-IADITG ang mga nasabat na opiums.
Nasa costudiya narin ng NAIA-PDEA ang claimant ng parcel para sa isasagawang imbestigasyon at pagsasampa narin ng kaukulang kaso laban sa suspek. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News