Pumalo sa panibagong record high na P13.856-T ang outstanding debt ng pamahalaan hanggang noong katapusan ng Marso.
Ito’y makaraang madagdagan ng P104.142-B ang utang ng bansa sa naturang buwan, batay sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury.
Ayon sa BTR, P9.513-T ang domestic debt, kabilang ang 156 million mula sa direct loans habang P4.343-T naman ang halaga ng external debts, kabilang ang P1.947-T mula sa loans at P2.396-T mula sa debt securities.