dzme1530.ph

Fishing ban sa 7 bayan sa Oriental Mindoro, lifted na!

Inanunsiyo ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor ang pag-aalis ng “fishing ban” sa pitong bayan na apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa lalawigan.

Ayon kay Dolor, balik-hanapbuhay na ang mga mangingisda sa bayan ng Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.

Ito aniya’y dahil bumaba na sa standard limit ang antas ng langis at grasa sa mga nabanggit na lugar

Nilinaw naman ni Dolor na nananatili pa rin ang fishing ban sa Calapan City, mga bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria at Bansud.

About The Author