Umarangkada na ngayong araw ang ipinatupad na mahigit P2 rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Clean Fuel at Caltex ang price adjustment, kung saan mayroong tapyas na ₱2.20 centavos ang kada litro ng gasolina at ₱2.70 centavos sa kada litro ng diesel,
Habang mababawasan naman ng ₱2.55 centavos ang kada litro ng kerosene.
Ganitong galaw din ang ipinatupad na bawas-presyo ng Petro Gazz, Pilipinas Shell at Seaoil kaninang alas-6 ng umaga.
Ang adjustment sa presyo ng mga langis sa bansa ay bunsod ng pagbagsak ng presyo ng imported na petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Ito na ang ika-tatlong sunod na linggo ng pagbaba ng presyo ng nabanggit na mga produktong petrolyo sa bansa.