Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si Slovakian Prime Minister Eduard Heger, na nagsisilbing caretaker para sa halalan sa Setyembre.
Ito’y matapos umalis sa posisyon nang magkakasunod ang ilang ministro, na nagresulta sa paghina ng kaniyang gabinete.
Kaugnay nito, napili ni Slovakia President Zuzana Caputova si Deputy Gov. Ludovit Odor ng Central Bank na pangunahan ang Technocrat Government.
Nabatid na ilang buwan na naghirap ang nasabing bansa sa pamumuno ni Heger dahil sa paghina ng gabinete nito, sa gitna ng mataas na inflation rate at bakbakan sa kalapit na bansang Ukraine.