Umaasa si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang koronasyon ni King Charles III ay maghuhudyat sa bagong kabanata ng kapayapaan, progreso, at kasaganahan sa United Kingdom at sa Commonwealth.
Ito ay kasabay ng pagpapaabot ng pagbati ng Pangulo sa koronasyon ni King Charles III at Queen Camilla sa Westminster Abbey sa London noong Sabado.
Ayon sa Pangulo, isang napakalaking karangalan na personal na makadalo sa makasaysayang okasyon bilang kinatawan ng Pilipinas.
Ibinahagi pa ni Marcos na isang araw bago ang coronation ay nagkita na sila ni King Charles kung saan ipinabatid niya ang pagbati ng buong sambayanang Pilipino.
Inalala rin nila ang masasayang sandali ni King Charles at ng kanyang kaibigan at ina ni Pang. Marcos na si former First Lady Imelda Marcos. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News