Bumaba sa 6.6% ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Abril.
Ito na ang ikatlong beses na bumaba ang inflation ng bansa mula sa pinakamataas na 8.7% na naitala noong Enero.
Batay sa Philippine Statistics Authority, nasa 7.6% ang inflation rate noong Marso na nagdala ng year-to-date rate na 7.9%, mas mataas pa rin sa target range na 2% hanggang 4% ng pamahalaan.
Ayon kay National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, kabilang sa nagdulot ng mababang inflation ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.