dzme1530.ph

Mag-asawang biktima ng Human Trafficking sa Myanmar, nakabalik na sa Pilipinas

Nakauwi na pabalik sa Pilipinas ang mag-asawang naging biktima ng Human Trafficking sa bansang Myanmar.

Ayon kay Bureau Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang hindi pinangalanang mag-asawa ay na-recruit ng isang nag-ngangalang Maxesa sa pamamagitan ng Social Media.

Sinabi ni Tansingco, ang mag-asawa ay umalis sa Pilipinas noong buwan ng October 2022, para umano sa apat na araw na bakasyon sa Singapore, kung saan sila dito ay nagtratrabaho bilang love scammers.

Kapag hindi nakakamit ng mag-asawang biktima ang quota, sila ay pinahihirapan, binabantaan at hindi pinakakain, ayon kay Commissioner Tansingco.

Sinabi rin aniya ng dalawang biktima  na mistula silang nasa military training na pinag-wo-workout sa ilalim ng init ng araw, at hindi rin pinasasahod.

Mula sa Singapore, ang mag-asawang biktima aniya ay ibiniyahe sa Bangkok at dinala ng dalawang armadong lalake sa Mae Sot City, kung saan sasakay sila ng bangka patungong Myanmar.

Sinabi ni Tansingco na nakatakas ang mag-asawa na tinulungan ng Philippine Embassy sa Thailand.

Ang mag-asawang biktima ay nakabalik sa Pilipinas noong April 25, 2023.

Samantala, kinumpirma ni Tansingco na tinanggal na sa Immigration ang tauhan na nag-proseso ng dokumento ng mag-asawa at nakatakdang itong sampahan ng kaso. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author