Nagbigay-pugay si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga namayapang sundalong Amerikano sa pag-bisita sa Arlington National Cemetery sa Virginia USA.
Ito ay bahagi ng mga aktibidad ng Pangulo sa huling araw ng kanyang official visit sa America.
Pinangunahan ng Pangulo ang Wreath-Laying Ceremony sa “Tomb of the Unknown Soldier” o ang bantayog para sa lahat ng mga sundalong namatay sa digmaan na hindi na natukoy o hindi natagpuan ang katawan.
Nakahimlay sa Arlington National Cemetery ang mga labi ng nasa 400,000 Amerikanong sundalo at war veterans, kabilang ang mga nakipaglaban mula sa American Revolutionary War hanggang sa invasion ng Iraq at Afghanistan.
Dito rin nakalibing ang ilang military heroes tulad ni George C. Marshall, at dating US presidents gaya nina William Howard Taft at John F. Kennedy. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News