dzme1530.ph

PBBM, nakipagpulong sa US Senate Foreign Relations Committee kaugnay ng seguridad, agrikultura, climate change, at economic cooperation

Nakipagpulong si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga miyembro ng US Senate kung saan tinalakay ang mga isyu sa seguridad, agrikultura, climate change, cybersecurity, at economic cooperation.

Pinangunahan ni US Senate Foreign Relations Committee chairman Sen. Robert Menendez ang pagtanggap kay Marcos sa Capitol Hill sa Washington D.C., USA.

Ayon sa Pangulo, ang defense at security engagement ay nananatiling pundasyon ng bilateral relations ng Pilipinas at Amerika, at pinuri nito ang pakikipagtulungan at pag-trato ng USA sa Philippine Gov’t bilang isang “Equal Sovereign Partner.”

Ipinabatid din nito ang pagnanais ng Pilipinas na palalimin pa ang kooperasyon sa Estados Unidos sa supply chain, health and health security, environment, energy security, at interconnectivity.

Idinagdag pa ni Marcos na hindi lamang ang executive branch kundi maging ang lehislatura ay dapat ding makiisa sa mga pag-uusap ng Manila at Washington.

Kasama ng Pangulo sa meeting sina House Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs sec. Enrique Manalo, Philippine Ambassador to USA Jose Manuel Romualdez, Finance sec. Benjamin Diokno, Justice sec. Boying Remulla, at Trade sec. Alfredo Pascual. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author