Minamadali ng Department of Public Works and Highways ang konstruksiyon ng ₱88-M flood control structure sa Coronel River upang higit na ma-protektahan ang mga komunidad sa Gabaldon, Nueva Ecija sa gitna nang paparating na tag-ulan.
Ang DPWH Nueva Ecija Second District Engineering Office (DEO) ang nag-i-implement ng proyekto na 846-lineal-meter gabion-type flood control structure sa Coronel River, sa Barangay Bugnan Section sa bayan ng Gabaldon.
Sa report nina DPWH Secretary Manuel M. Bonoan Usec. for Operations sa Central Luzon Roberto R. Bernardo, DPWH Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino na ang proyekto ay prayoridad ng DPWH sa rehiyon.
Ayon kay Tolentino, nasa 86% na ang natatapos sa proyekto sa loob lamang ng tatlong buwan mula nang umpisahan noong February 2023.
Inaasahang sa October 2023 ay maaaring matapod lalo na kung magiging maganda ang panahon.
Sa sandaling matapos, ang six-layered gabion wall, ay inaasahang gaganda ang ani ng mga magsasaka lalo na at magsisilbing harang ang istraktrura sa pag-apaw ng tubig sa ilog. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News